Tuesday, March 24, 2015

Hope

Matagal na panahon na ang lumipas noong huling beses kong tangkain na sumulat. Matapos ng mga ilang unsuccessful submissions, problema sa aking tunay na career at maging sa personal na buhay ay nagising nalang ako isang umaga na hindi ko na mahanap sa sarili ko na magsulat ng istorya. Ginupo ako ng galit, lungkot at panghihinayang. 

Hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Laging nasaisip ko na "he destroyed me and stole everything from me." Pero dinaan ko ang lahat sa dasal. Hanggang unti-unti ay natutunan kong magpakatatag muli at makipagsapalaran sa buhay.

One step at a time, kaya ko 'to, dahan-dahan lang, paunti-unti ay matatapos rin ang paghihirap. Ngayon ay natagpuan ko ang aking mga kamay na tila may sariling pag-iisip. Muli, nae-express ko ang sarili ko sa pagsusulat. Na-realize ko na kailangan simulan ko sa aking sarili ang pagbabago at pagiging kuntento sa kung anong meron ako.

No one has the right to steal my confidence and my happiness. Mahal ko ang sarili ko at mula ngayon ay walang makapagpapabago nito.

No comments: