Monday, June 3, 2013

How to Describe Character Traits of Hero and Heroine

     How should I describe the hero and heroine of my story? This question crosses our mind when we write romance novels. I remember one of my returned manuscripts. One of the comments of the editor was, "kulang sa description ang mga bida." From a readers point of view, it adds up interest if they could somehow draw a picture of the persons they are reading in their mind.
    
      Sinubukan kong mag-isip ng paraan kung paano mas mapapadali ang pagde-descibe sa itsura ng mga tauhan sa istorya. Malaking tulong ang article na ito (I-click lang ang link): How to Describe Believable Character Traits for Hero, Heroine Villains, http://www.articlesfactory.com/articles/writing/how-to-describe-believable-novel-character-traits-for-hero-heroine-villains.html

      Kapag iprine-present natin ang mga katangian ng mga tauhan sa istorya, lalo na ng sa bidang lalaki at babae, hindi naman ibig sabihin ay sa Chapter 1 palang naroon na lahat ng character traits nila. Sa Chapter 1 or sa 'cute meet part' na kung saan magkikita na ang mga bida doon palang ay maari na natin sila ilarawan upang sa gayon sa unang bahagi pa lamang ng kuwento ay may mukha na ang mga bida sa imagination ng mga readers.

     Habang gumagalaw na ang story; habang lumalakbay na tayo sa mga susunod na chapters, pwedeng unti-unting i-reveal ang iba pang describing words para sa mga tauhan ng istorya. Tulad ng edad, kung saan nag-aaral o nagtra-trabaho, family backgroud, mga likes at dislikes nila at iba pang paglalarawan na kinakailangan ilahad sa nobela.

     Makakatulong ring mag-search ng larawan na maaring gawing inspirasyon sa pagde-describe sa mga story characters. Tuald nito:
     Ito ang "inspiration" ko sa ginagawa kong nobela ngayon. Ang love story nina Migs at Liz. Sana ay matapos ko na ito. (yiheee...)
     Happy writing!




No comments: